Hindi na nakakapagtaka kung bakit ang mga film producer ay mas tinatangkilik na ang mga istorya na nanggaling sa mga awtor ng isang libro, dahil marunong na rin silang magsulat ng script o konkreto at malaman ang mga plot ng isang istorya na nakasulat sa libro. Ito ay maaaring nobela o series ng awtor. Kaya ang ilan sa mga awtor na kagaya mo ay nakakapag-isip kung paano ba isalin ang isinulat mong libro o kwento bilang isang script.
Kung mahilig kang manood ng mga novel-adaptation movies o TV series kagaya ng Diary Ng Panget ni HaveYouSeenThisGirl at Talk Back and You’re Dead ni ALesana_Marie na mula pa sa online writing platform na Wattpad. At ilan pang sikat na awtor ng Pilipinas kagaya ni Marcelo Santos, na kanyang nobela na Para sa Hopeless Romantic at Bob Ong na ang kanyang nobelang ABNKKBSNPLAko?! at marami pang iba.
Ngayon ay malalaman natin ang 12 Paraan Kung Paano Isasalin ang Iyong Libro bilang Isang Screenplay Script:
1. Read. Read. Read Screenplay Scripts.
Kagaya ng proseso ng pagsusulat ng isang nobela o istorya ay kailangan mo ring magbasa ng mga libro na ayon sa genre na iyong isinusulat para lumawak ang ideya mo rito, dahil sa pagbabasa nalalaman mo ang estruktura nito, ang kaangkupan ng mga salitang ginagamit at nalalaman mo rin ang mga teknikalidad na kailangan dito.
Kaya sa pagsususulat ng mga screenplay scripts kailanagan mo ring isaalang-alang ang pagbabasa ng mga ito. Mula sa mga sikat na websites ay nagbibigay sila ng ilang Hollywood Film Scripts kagaya ng IMDB.com at ito ay LIBRE! Ang ilan pa ay sa YouTube na kung saan ang ilang Film Production ay gumagawa ng CineScripts at sa mga sikat na Bookstores na ipinagbibili ang mga Original Screenplay Scripts ng isang pelikula.
2. Critique What You’ve Read.
Pagkatapos ng makapagbasa ng mga screenplay scripts na mula rin sa nobela o istorya ay kailangan mo ngayong ipagkumpara ang orihinal na nobela at ang salin nito sa script. Sa pamamagitan nito mas malilinawan ka na napagtanto ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawa. Malalaman mo rin kung anong atake ang ginagawa ng awtor at screenplay writer dahil hindi pwedeng ilagay sa isang screenplay script lahat ng nasa libro.
3. Be a Formal Screenplay Writer.
Ang pagiging pormal o pagsunod sa standard na pagbuo ng isang script ay malaki ang maitutulong sa isang baguhan sa larangan ng screenplay writing. Kaya minsan kailangan mo ring mag-invest sa mga kagamitang kailangan dito kagaya ng Final Draft, na isang Screenplay software. Pero ‘wag mag-alala dahil may alternatibo namang pwedeng gamitin na LIBRE kagaya ng Celtx at WriterDuet.
4. Watch. Watch. Watch a Film Adaptation.
Hindi lang dapat naka pokus ang isang awtor sa pag-aaral kung paano magsulat ng isang screenplay script dahil kailangan niya mo ring isaalang-alang kung paano ito lalabas sa screen. Sa panonood ng mga film adaptation kagaya ng nabaggit kanina sa itaas.
Sa pamamagitan ng panonood ng mga pelikula ay mas nalalaman mo kung paano ba gumagalaw ang mga karakter sa screen. Dito isinasaalang-alang ang Color grading, CGI (Computer-generated Imagery), at Framing.
5. Critique What You’ve Watch.
Kailangan mo ulit itong mas malalim na busisiin kung tumutugma ba ang lumalabas sa screen mula sa script na isinulat o hindi. At isaalang-alang ang visualization ng mga pangyayari sa script at lalo na ang sequence treatment nito o ang pagkakasunod-sunod ng ideya ng pelikula.
6. Dig Deeper About the Screenplay Structure.
Iba pa ito sa panonood o pag-critique lang ng isang screenplay script at adapted films, dahil dito magiging mas pormal ka na sa mga teknikalidad ng pagsusulat ng script. Lalabas dito ang mga terminologies na kailangang isaalang-alang mong tandaan, na gagamitin ng film director o film editor.
At dito mo rin matutunan na hindi pala agad isinusulat ang isang screenplay script, dahil may ilang proseso pa itong dinadaanan kagaya ng Sequence Treatment, Outlining at Pitching sa film producer.
7. Make a Sequence Treatment.
Ang Sequence Treatment ay ang proseso na kung saan pinagsusunod-sunod ang ideya ng libro. Maaaring ito ay deskripsyon lamang ng bawat scene sa script at walang halong dayalogo. Malaki ang naitutulong nito dahil malinaw mong makikita ang kabuon ng iyong isinulat na libro. Bawat galaw at organisasyon.
8. PinPoint a Good Point.
Pagkatapos mong ilatag ang iyong Sequence Treatment kailangan mo na ngayong tanggalin ang mga filler o mga sequence o scene na hindi mahalaga. Ito ‘yong mga sequence o scene na kahit mawala ay hindi maapektuhan ang iyong istorya.
Sa pagpili ng akma o tamang sequence o scene ay malaki ang magiging epekto sa binubuo mong script dahil dito magbabase ang mga film production crews, na maaaring asahan din ng iyong mga mambabasa o loyal reader.
9. Skeletal Format of Your Story.
Ito naman ang tinatawag na backbone ng iyong istorya o outline. Dahil pagkatapos mong alamin ang mga bagay-bagay na ilalagay mo sa ‘yong screenplay script ay kailangan muna ngayong pagsama-samahin ang mga ito at laruin.
Dito, bilang isang screenplay writer malaya kang pumili ng atake o anggulo mo na ibibigay sa mga film producer, expected market audience at loyal readers. Halimbawa, maaaring umpisahan mo ang istorya sa gitna pabalik sa una hanggang sa wakas, na tinatawag na In Media Res.
10.Limitations of Film to Your Book
Kailangang tandaan ng awtor na hindi lahat ng nakasulat sa kanyang libro ay maisasama sa isang adaptation film. Kaya kailangang maging matalino ka mismo sa pagpili o pagbali ng sarili mong istorya kung ilalapat ito sa script. Ito ay hindi lang para paganahin ang mga film producer kung hindi ay bibigyan din ng bagong flavor ang mga nakapagbasa ng iyong libro.
11. Ready, Set, Pitch Your Logline!
Logline. Ito ang unang mababasa ng film producer kung tatanggapin ba nila ang iyong istorya o hindi, dahil kung hindi mo agad makuha ang loob ng iyong prospect film producer ay mahihirapan kang maging pelikula ang iyong libro. Ito ay binubuo lamang ng 1 hanggang 2 na sentences at kasama na rito ang main characters at ang conflict ng istorya.
12. Meet the Boss
Ang kalimitang tinatawag ito na mga boss ay ang mga film producer dahil sila rin minsan ang nasusunod sa istorya at nagiging financer ng iyong istorya na gusto mong gawing pelikula. Ang mga film producer ay mga business-minded o profit-oriented kaya sa pagsulat ng iyong script kailangan mon a ring isipin kong bebenta ba talaga ang iyong istorya o hindi.
Isa pa ang mga film producer ay nagbabayad sa mga tauhan sa likod ng pagbuo ng iyong pelikula mula sa film director hanggang sa mga actor/actresses upang mabuo ang isang film production.
Ito ay mga pangunahing ideya o paraan upang maging matagumpay mong maisakatuparan ang ninanais mo na maging isang pelikula ang iyong isinulat na libro.
Isinulat ni: John Albert Silva
Comments