Lahat ng bagay ay natutunan lalo na kung alam mo sa sarili mong gusto mo ito. Walang imposible na sa panahon ngayon dahil ang mga natatagong talento o kakayahan ay unti-unting lumalabas. Maaaring ito ay patungkol sa pagpapatugtog ng instrumento, pagkanta o pagsusulat ng kwento o tula, na kinahihiligan mo noong bata ka pa.
At hindi pa huli ang lahat dahil sa adbentahe ng teknolohiya na mabilis ang pagbulosok. Maraming pwedeng gawin ng isang tao na kulong sa kanyang bahay dahil sa pandemya. Maaaring dumalo o makilahok sa iba’t ibang Webinar, na dati ay Seminar pa ang tawag at na nangangailangan ng pisikal na makapunta.
Ang ilan pa ay ang mga Creative Writing Workshops para sa mga manunulat na gustong mahasa sa pagsusulat. Ang Creative Writing ay tumutukoy sa malikhaing pagsulat ng mga nobela, tula o maikling kwento. Maaari itong halaw sa totoong karanasan ng isang manunulat o piksyon na imahinasyon lamang. Ano nga ba ang kahalagahan ng pagsali sa mga online Creative Writing Workshop?
1. BASICS TO ADVANCE WRITING
Sa pagsali sa mga Online Creative Writing Workshop ang mga aspirant na manunulat ay matuto mula sa mga Couches/Lecturer/Mentor, na may angking kasanayan at karanasan sa pagsulat. Ang ilan dito ay ang pagpapaliwanag kung ano ang Creative Writing, Fundamental Parts of Writing Fiction Stories at iba pa.
2. FIND YOUR WRITING VOICE
Maraming nagtatanong kung bakit magkaparehas lang naman sila ng plot na isinulat, ngunit may pagkakaiba sa narration. Dahil sa pagsulat ang mga manunulat ay may sari-sariling writing voice na tinatawag o ibig sabihin ay sariling boses sa pagkukwento. At sa pagsali sa isang Creative Writing Workshop at malaman ang aspekto ng teknikalidad nito. Dito mo mapagtatanto ang sarili mong boses sa pagsusulat.
3. OPEN-MINDED
Hindi lang isa o dalawa ang makakasama mo sa pagsali ng Creative Writing Workshop. Maaari kayong isang grupo o batch na magkaroon ng pagkakataon, na magbigayan ng critique o constructive criticism sa isa’t isa. At sa pamamagitan noon magkakaroon ka ng pagkakataon pag-aralan ang estilo na kanilang ginamit sa kanilang akda, at makatanggap ng puna na maaaring makatulong sa ‘yo sa pagsusulat.
4. FIND WRITING FRIENDS AND MENTOR
Isang magandang pagkakataon na magkaroon ng kaibigan o koneksyon sa loob ng isang Creative Writing Workshop, dahil sila mismo ang unang nakakaunawa at malalapit kung kailangan mo ng critique at constructive criticism sa iyong akdang isinusulat.
Kagaya ng pag-aaral sa isang Driving School o Swimming Clinic, kailangan mo ring maglabas ng halaga dahil ito ay hindi lang basta hilig lang kung hindi pwede ring gawing propesyon.
Isa na rito ay ang pagsali sa nalalapit na Creative Writing Workshop ng Ukiyoto Publishing, na hindi ka lang matuto sa President and Head Mentor of Penmasters League, Ms. Emerald Blake, kung hindi ay manalo at maging isang ganap na libro ang sinusulat mo ngayon sa ilalim ng International Traditional Publishing House, Ukiyoto Publishing at makatanggap pa ng CASH PRIZE.
コメント