top of page
John Albert Silva

Benefits of Traditional Publishing

Ang lahat ng kwento ay mahalaga dahil kalapit nito ang totoong karanasan ng manunulat, kaganapan sa lipunan o piksyonal na mundong magdadala sa mambabasa sa isang mundo na tanggap sila. Kaya kailangan pag-aralan ng mabuti ng isang manunulat kung saan niya dapat ilimbag ang kanyang akda.


Anong dapat isaalang alang ng isang manunulat sa pagpili kung sa “Traditional Publishing” ba o “Self-publishing”? At dito papasok ang aspekto ng editing, proofreading, marketing, at iba pa.



Sa Pilipinas may dalawang uri ng Publishing; ang Traditional at Self-publishing.


Ang Traditional Publishing ay tumutukoy sa pagpapalimbag ng iyong akda o isinulat na kwento sa ilalim ng isang Publication House. Kung nakapasa ka sa tinatawag na Evaluation o pagsasala ng kanilang mga Editor ay bago pa sisimulang iproseso ang iyong akda sa masinsinang pagwawasto. Kagaya ng editing, proofreading, manuscript formatting at book cover editing. At tuluyang dumako sa printing press, na kung saan gagawin ng isang hardbound/paperback ang iyong libro o akda na WALANG BINABAYARAN.


Sa kabilang dako naman ay Self-publishing na kung saan ang manunulat mismo ang may kapangyarihan sa kanyang akda. Ang desisyon sa kanyang akda ay nakasalalay sa kanilang kamay mula sa editing hanggang printing press, dahil sila mismo ang nagbabayad LAHAT NG GAGASTUSIN at kung paano nila ito ibenta.


Kaya malaki ang adbentahe ng isang manunulat, na nakikipagsapalaran sa pagpapasa ng kanilang manuskrito sa isang Traditional Publishing House. At ang limang bagay na adbentahe ng manunulat ay:


1. QUALITY STANDARD PROCESS

Ang mga Traditional Publishing House kagaya ng Ukiyoto Publishing ay isinusuot sa butas ng karayom ang mga manuskrito, na dumadaan sa kanilang mga kamay, upang mapili kung anong akda ang karapat-dapat na ilimbag. At sa mga mapapalad na mapipili ay dadaan pa sa masusing editing hanggang printing press.


2. HASSLE-FREE

Hindi na iisipin ng isang manunulat ang proseso ng kanyang libro, dahil may nagtatrabaho na nito sa kanya upang ilaan na lamang ang kanyang oras sa pagsusulat o sa iba pang bagay.


3. RIGHT MARKETPLACE

Ang isang Traditional Publishing House na ang bahalang maghanap o ibenta ang libro ng isang manunulat. At maaari na lamang tumanggap ng 8%-15% Royalty Fee each book monthly or yearly.*


4. FREE OF CHARGE

Walang babayaran ang mga manunulat sa paglilimbag ng kanilang libro, dahil sagot na ito ng publisher. Hindi katulad sa Self-publishing na kailangang saluhin ng manunulat ang lahat ng gastusin sa editing hanggang printing press.


5. SOCIAL ACCEPTANCE

Mas kinikilala ng mga tao o ibang manunulat ang isang libro kung dumaan ito sa isang Traditional Publishing kagaya ng Ukiyoto Publishing, dahil sa prosesong pinagdadaanan ng isang akda at kredibilidad ng kompanya. Kaya mas tinatangkilik ang mga akdang dumadaan sa isang Traditional Publishing. At kinikilala ang isang tunay na “Published Author” ang isang manunulat.


Kaya ‘wag matatakot sa pagpapasa ng manuskrito sa mga Traditional Publishing, dahil ang mga ito ay may pangalan na pinanghahawakan at pangarap na maaaring masira kung sila ay magpabaya.

Comments


bottom of page